Click the Link Para Tutulan Ang Ahunan HydroElectric

Destroying the planet is not an investment


Nature is our life


Panata sa Sierra Madre at sa Buong SangKalikasan

Panata sa Sierra Madre at sa Buong SangKalikasan

Sa kritikal na kalagayan ngayon ng Sierra Madre at ng

buong SangKalikasan, ang inaaasahan sa akin ay ang

angkinin ang tungkulin hindi lamang bilang tagapangalaga ng

mga karagatan, ng sangkalupaan at ng kalawakan, kasama

ang lahat ng yaman ng mga ito, sa halip ay ang maging daan

din ng kagalingan ng kanyang mga sugat dulot ng kapabayaan

ng sangkatauhan. Kung paano tumatanggap ako ng mga biyaya mula sa

Sierra Madre at sa buong SangKalikasan, gayundin kailangan

kong ibigay ang aking sarili upang mapanatili ang kanyang

likas na yaman at kagandahan. Kung kaya’t iniaalay ko ang

aking panata na isabuhay ang aking pagiging kaisa ng

kalikasan sa pamamagitan ng pagiging tagabantay sa halip na

tagagamit lamang ng kanyang likas na yaman, palagiang

pangangalaga sa kanyang angking yaman tungo sa pag-unlad

na hindi sumisira bagkus nagpapanatili ng kanyang

kagandahan at kabanalan, pagiging laging mapagmalay na

ang lahat ng aking ginagawa at di ginagawa ay

nakakaapekto sa pagpapadaloy o pagkitil ng kanyang buhay.

Inaangkin ko ang pananagutan na buong-puso kong

mamahalin, igagalang, pangangalagaan, ipagtatanggol at

ilalaan ang lahat kong kakayahan sa ikagagaling ng mga

sugat ng Inang Kalikasan, lalo na ng Sierra Madre at sa

pagpapatuloy ng pagdaloy ng kanyang buhay.

Iniaalay ko ang panata at pananagutang ito kay Inang

Kalikasan, lalo na kay Siera Madre sa ngalan ng at para sa

kapakanan ng lahat ng anyong buhay sa kanyang mga ilog at

tubig kanlungan, kabundukan at kagubatan.

Kasihan nawa ako ng Diyos na Lumikha at nag-uugnay

sa atin at sa lahat ng bagay.